Abante Tonite Interactive

Solon nagdrama sa party

255

Sa gitna ng kasiyahan, nagdrama ang isang solon sa gitna ng kanyang medley songs.

Ang kuwento, habang kumakan­ta raw ang ating bida ay bigla itong tumalikod sa audience na ikinataka naman ng marami.

Hanggang sa pagharap nito ay nakita na lamang na namumula ang kanyang mga mata kasabay ng paghingi ng paumanhin dahil naging emosyunal daw ito sa kanyang awit.

Natatawa naman ang ating impormante sa pagkukuwento dahil kahit daw pala sa kantahan ay tila hindi nagpapaawat ang ating bida.

Nang alukin daw kasi si Mr. Lawmaker na magbigay ng song number, sinabi nito na isang kanta lang ang kanyang maiaalay dahil napapagod na rin siya sa maghapong trabaho.

Nagulat na lang daw ang audience dahil ang isang kanta palang tinutukoy ni Mr. Solon ay isang medley o dugtong-dugtong na mga kanta.

Clue: Ang ating bida ay may matibay na resistensya dahil kahit ilang oras itong magsalita ay hindi mauubusan ng litan­ya. May letrang N sa kanyang apelyido as in Never ending. (Dang Samson-Garcia)