Abante Tonite Interactive

Solon naging valedictorian sa suhol ng ina

287

Consistent honor student daw ang isang mambabatas noong nag-aaral pa ito sa high school.

Kaya naman pagka-graduate ni kolokoy, valedictorian siya sa kanyang klase.
Pero nakarating sa impormasyon ng Tonite, binabayaran daw ni mama ang principal kaya na­ging valedictorian ito.

Gusto kasi ni mama na valedictorian ang lahat ng magkakapatid upang maipagmalaki ng kanilang pamilya.

Kakaiba lang ang valedictorian na ito dahil nabigyan ito ng mataas na grado kahit kilalang bully ito ng mga kaeskuwela.

Clue: Ang mambabatas na naging valedictorian dahil sa panunuhol ng kanyang ina ay madalas mag-sorry. May letrang S sa kanyang apelyido as in Suntok.