Abante Tonite Interactive

Solon nagpa-tattoo sa ulo

283

Himalang nawala ang pagkapanot ng isang mambabatas makalipas lamang ng ilang buwan.

Dati kasi ay makikita ang bumbunan ng mambabatas na ka­yang magpalapag ng helicopter, eheste magbilad ng tawilis.

Pero nga­yon, yumabang na ang mambabatas dahil sa nawala na ang pagkapanot sa ulo.

Suspetsa ng ilang bugoy, nagpa-tattoo sa ulo ang solon upang hindi mapansin ang pagkapanot nito.
Kung body paint kasi, mabubura ito kapag naligo o kaya ay abutan ito ng ulan sa kalsada.

Subalit may mga ugong din na nagsabi na gumamit ang mambabatas ng gamot para sa pagpapatubo ng buhok

Clue: Ang mambabatas na nagpa-tattoo umano sa ulo ay kila­lang adik sa mikropono. May letrang D sa kanyang pangalan as in Dikit sa administrasyon