Abante Tonite Interactive

Solon nagtampo, boykot sa party

437

Ibang klase rin pala kung magtampo ang isang mambabatas.

Nakarating sa impormasyon ng Abante Tonite na binoykot daw ng mambabatas ang victory party ng Hugpong ng Pagbabago nung Lunes sa isang 5-star hotel sa Makati City.

Nilaglag kasi ng Hugpong sa nakaraang halalan ang mambabatas at tila dinamdam ito pero mabuti na lamang at nanalo ito noong nakaraang halalan.

Upang hindi mahalata ang boykot, nangibang-bansa na lamang ang mambabatas.

Clue. Ang mambabatas na binoykot ang victory party matapos magtampo ay kilalang kuripot. May letrang P sa kanyang pangalan as in Popoy.