Abante Tonite Interactive

Solon nagtipid sa kampanya

315

Sa paniniwalang mahina ang kalaban sa darating na halalan, nagtipid na raw sa kampanya ang isang miyembro ng Lower House na tumatakbo ng reeleksyon.

Kung dati ay nagpakawala ng mara­ming pera para matalo ang bigating kandidato, nga-yon ay nagsara na ng gripo ang mambabatas kaya’t wala nang tutulong grasya sa mga botante.

Tumigil na rin sa house to house campaign ang kanyang mga amuyong at tumambay na lamang sa headquarter.

Ang classic nito, hindi naman tumigil ang mambabatas sa pagtanggap ng campaign fund kaya’t parang tumiba pa siya ngayong halalan imbes na magastusan.

Clue: Ang kongresistang nagtipid sa kampanya ay kilalang bigatin at may letrang T sa kanyang pangalan.