Abante Tonite Interactive

Solon naligaw sa lakwatsa

325

Ayaw na raw ng isang mambabatas na lumakad nang mag-isa lalo na kung siya ay nasa abroad.

Minsan kasi siyang kumalas sa mga kabarkada sa abroad para mag-isang mag-ikot at mamili ng pasalubong.

Subalit dahil sa dami ng pasikot-sikot na kanyang dinaanan, hindi niya matandaan ang pabalik kaya naligaw ito.

Kinailangan pa ni­yang magtanong sa mga tao para lamang maka­balik sa main road at makasakay ng taxi pabalik ng kanyang hotel.

Kantiyaw tuloy ang inabot ng mambabatas sa kanyang mga kabarkada nang ikuwento ang masaklap niyang karanasan.

Clue: Ang mambabatas na naligaw sa paglalakwatsa ay mula sa malayong lalawigan ng Luzon at may letrang A sa pangalan.