Abante Tonite Interactive

Solon nam-bully ng katropa

181

Ibang klase rin ang trip ng isang mambabatas makaraang asarin at tuksuhin nito ang dalawang kasamahan na nagkakaproblema sa kanilang mga ka­patid.

Nangyari ito sa isang party na ibinigay ng mga mambabatas para sa media.

Nang pagsalitain si Mr. Lawmaker matapos ang greetings ng dalawa nitong kasama, malakas na pambu-bully ang kanyang ginawa.

Salaysay ng ating bida, mabuti na lamang at wala siyang kapatid sa politika kaya’t hindi siya natutulad sa dalawang kasama na nagkakaproblema sa kanilang mga pamilya.

Pero kumambiyo naman agad si Mr. Solon at ipinakita ang magandang intensyon ng kanyang pang-aasar.

Ipinaalala kasi ng ating bida na ngayon ay panahon ng pagmamahalan at pagpapatawad kaya’t mas magiging maganda kung magkakasundo na ang mga kasama sa kani-kanilang mga kapatid.

Ipinagkibit-balikat naman ito ng dalawang kagrupo at nagpahiwatig na panahon na lamang ang makapagsasabi.

Ang ating bida na sadyang hyper palagi at tila hindi nauubusan ng enerhiya ay may letrang ‘J’ sa pangalan as in Jolly. (Dang Samson-Garcia)