Abante Tonite Interactive

Solon namumuro sa kangkungan

497

Hindi pa man nakakaupo bilang miyembro ng Kamara, intriga at paninira agad ang gustong atupagin ng isang kongresista.

Nakarating sa impormasyon ng Tonite na kumuha daw ang mambabatas ng kila-lang operator para sa inaambisyong puwesto sa Kamara.

Para makamit ang juicy post sa kapulu-ngan, kailangan niyang siraan ang ibang posibleng makalaban.

Ang problema nito, mukhang hindi umuubra ang pakulo ng mambabatas matapos na ma-bad trip sa kanya ang isang grupo ng mambabatas.

Kaya imbes na makakuha ng magandang puwesto, baka mapunta sa kangku-ngan ang mambabatas sa pagbubukas ng sesyon ng Kamara sa Hulyo.

Clue: Ang kongresistang nag-aambisyon ng magandang puwesto ay kaalyadong administrasyon at may letrang A sa kanyang pangalan as in Alam na.