Abante Tonite Interactive

Solon namumuro sa plagiarism

1,302

Namimiligrong mabilad sa kahihiyan ang partidong kinaaaniban ng isang mambabatas dahil sa ginawang panggagaya sa logo ng outreach program ng National Basketball Association (NBA).

Sa nakalap na info ng Tonite, halos magkapareho daw ang logo ng humanitarian group ng partido ng mambabatas at ng outreach program ng NBA at nagkaiba lang sa pangalan ng partido at ng NBA.

Hindi naman masugid na tagahanga nina Stephen Curry, LeBron James, Ke­vin Durant o James Harden ang mambabatas dahil kahit pambobola ay hindi nito kayang gawin, pero gayang-gaya ng logo ng humanitarian group ng kanyang partido, ang logo ng isang program ng NBA.

Mukhang wala naman daw kinalaman ang mambabatas sa gina­wang panggagaya dahil maaaring ipinagawa lang ito sa staff na nanggaling sa DOT, este sa staff na walang originality, pero dahil sa ginawang pagkopya sa logo ay baka sumabit ang partidong kinaa­niban ng mambabatas.

Ang classic nito, lantaran ang ginagawang panggagamit ng mambabatas sa humanitarian group ng partido para maisulong ang kanyang kandidatura sa darating na halalan.

Clue: Ang mambabatas na maaaring sumabit sa panggagaya ng logo ng partido sa NBA ay maraming sinibak na empleya­do. Kung siya ay senador o congressman, hulaan niyo sa letrang P as in Pikon.