Abante Tonite Interactive

Solon nangampanya sa session hall

By
0 137

Mistulang nangam­panya ang isang mam­babatas sa gitna ng kanilang pagtalakay sa isang panukala sa session hall.

Ito ay nang itulak ng mambabatas na dahil ilang dekada nang napag-iiwanan ang kanilang lalawigan ay nais nitong bigyang-atensyon ng mga kapwa lawmaker ang kanilang lugar.

Ang mambabatas ay nakatakdang kumandidato bilang lokal na opisyal sa kanilang lalawigan.

Bigla raw nagtalumpati ang ating bida nang tanungin lang naman ito ng isa ring kasama hinggil sa isyu ng pagtutulungan sa lokal na pamahalaan at national government.

Nagulat tuloy ang kasamahan niya nang isingit ang napapaba­yaan na aniyang lalawigan nito at nanga­ngailangan ng sapat na atensyon, pondo at suporta ng national government.

Matapos ang talumpati ay tinanong pa siya ng kasamahang mambabatas kung tapos na ito sa kanyang mga sasabihin upang maituloy na ang interpelasyon.

Ang ating bida ay mayroong letrang ‘R’ sa kanyang pangalan at bida na ang pangalan ay maaari ring hugutin sa isang pambatang kanta.