Abante Tonite Interactive

Solon nangangalabit para ma-interview

479

Sino daw itong miyembro ng Upper House ang nangangalabit sa mga miyembro ng media para siya ay ma-interview?

Kapag naglalakad daw kasi itong mambabatas, naiinggit siya kapag may nakitang kasamahan na iniinterview sa hallway.

Kaya ang ginagawa nito, kinakalabit ang kadikit na media para siya naman ang maisalang sa interview.

Eh kung minsan, hindi umuubra ang kalabit kaya’t inuutusan nito ang kanyang staff para magkaroon ng katuparan ang kanyang wish.

Ang masaklap, kahit na ang staff na inutusan ay hindi rin minsan pinapakinggan ng media lalo na kung abala na sa trabaho at naghahabol sa deadline.

Clue. Ang senador na nanga­ngalabit para ma-interview siya ay isang lalaki at may letrang D sa kanyang pangalan.