Abante Tonite Interactive

Solon nanggulang sa gastusan

292

Kapag may lakad ang barkada nitong mambabatas, hindi mo maaasahang magkukusa itong maglabas ng kuwarta.

Ilang beses na raw itong nasubukan ng mga politikong kabarkada ng mambabatas.

Alam kasi ng mambabatas na mas mayaman sa kanya ang mga kabarkadang politiko kaya pinapaubaya sa kanila ang gastos.

Ito namang mga politiko, ayaw pumalag sa panggugulang ng mambabatas dahil may pambayad naman sila.

Pero ang staff ng mga politiko, asar-talo na sa mambabatas dahil palagi na lang itong hindi bumubunot sa bulsa kahit mayroon naman itong datung.

Clue: Ang mambabatas na nanggulang sa gastusan ay marami ring negosyo at may letrang P sa kanyang pangalan as in Pinggan.