Abante Tonite Interactive

Solon napikon sa interview

By
479

Inulan ng batikos ng mga netizen ang isang Senador makaraan itong mapikon sa panayam sa isang istasyon ng radyo.

Sa kwento ng ating amuyong, tulad ng mga nakasanay nang interview ng ating bida, halos hindi maputol ang daldal sa unang bahagi ng pa­nayam ang mambabatas dahil ang tanong ay nakatutok pa lamang sa ilan nitong mga panukala.

Gayunman, bigla umanong naiba ang tono ni Mr. Lawmaker nang diretsahan siyang kontrahin ng anchor hinggil sa aksiyon ng kanyang kumite sa ilang mga imbestigasyong ginawa nito.

Abante Hiring – IT dep

Lumitaw kasi sa tanong ng anchor na may pagkukulang pa sa naging pag-iim­bestiga ng kumite ni Sir kaya’t naging masungit at matinis na ang tono ng lawmaker at halos hindi maputol sa kanyang mga paliwanag.

Bago naman matapos ang interview, sinabi ng senador na huwag pansinin ang naging temper nito dahil para lamang naman sa argumento ang kanyang mga pahayag.

Gayunman, uma­bot ng ilang araw ang batikos ng mga netizen na listener at viewer ng himpilan sa naging pag-uugali ng senador na anila’y halatang napikon sa tanong ng anchor.

Clue: Ang ating bidang senador ay may R sa kanyang pangalan as in Red o namumula ang hasang sa mga hindi paborableng tanong.