Abante Tonite Interactive

Solon nasarapan sa galis

457

Ibang klase rin pala ang trip nitong isang mambabatas dahil tila ine-enjoy pa nito ang kanyang galis.

Sa halip kasi na mainis, aba’y nasasarapan pa ito sa pagkamot ng kanyang galis sa paa.

At take note, kaya niyang ipagsabay ang pakikipag-usap sa mga constituent sa pagkakamot sa paa, siyempre habang siya’y nakaupo.

Kaya raw kailangang may table cloth ang mesa upang hindi makita ang ginagawang pagkakamot.

Kung makakasalubong niyo ang mambabatas na ito, iwasan niyo na lang na makipagkamay dahil malamang na galing ito sa pagkakamot ng kanyang paa at hindi pa naghuhugas ng kamay.

Clue: Ang mambabatas na nasasarapan sa pagkamot ng galis ay tatakbo ng reeleksyon. May letrang A sa kanyang pangalan at nag-aral daw sa sikat na unibersidad sa QC.