Abante Tonite Interactive

Solon nilaglag ng staff matapos kumita

400

Nagpatupad daw ng reorganisasyon sa tanggapan ng isang mam­babatas matapos nitong manalo sa nakaraang halalan.

Gusto ng mambabatas na magkaroon ng clean slate sa pagsisimula ng kanyang bagong termino sa kapulungan.

Ang hindi alam ng mambabatas, nakikipag-usap na pala ang kanyang sidekick sa isang mayamang mam­babatas upang maka­lipat ng trabaho.

Ang masaklap nito, pinagkatiwalaan ng mambabatas ang kanyang staff kahit na binukulan ito sa mga gastos sa nakaraang halalan.

Hindi pa raw alam ng mambabatas ang masamang balak ng kanyang staff dahil tiyak na papangit ang mukha nito kapag nabisto ito.

Clue. Ang mambabatas na nilaglag ng staff ay kilalang kuripot at may letrang L sa kanyang pa­ngalan, as in Lo­ver.