Abante Tonite Interactive

Solon niluhuran ng cabinet member

901

Sino daw itong mambabatas ang niluhuran ng isang miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte?

Sa nakuhang info ng Tonite, nangyari daw ito sa mismong session hall ng Senado.

Kung inaakala niyong hinada ng cabinet member ang senador, mali ang inyong iniisip dahil sa nag-uusap lang daw ang dalawa.

Yun nga lang, medyo awkward ang puwesto ni Secretary dahil lumuhod ito sa harap ng nakaupong senador.

Naging quickie lang daw ang pagluhod ng cabinet member dahil halos limang minuto lang niya itong ginawa para makausap ng masinsinan ang isang maingay na mambabatas.

Clue: Ang senador ay kilalang mahilig sa mic kaya’t kinaasaran ng ilang kabaro, habang si cabinet member ay laging nakadikit sa Pangulo.