Abante Tonite Interactive

Solon padrino ng power firm

410

May kapit daw sa isang maimpluwensiya at mayamang mambabatas ang power firm na sabit sa anomalya.

Nahalata ito ng impormante ng Tonite dahil mistulang ginawang emisaryo ng mambabatas ang kanyang anino, eheste staff sa namumuno ng isang higanteng power firm.

May power trip pa naman itong si Boy Anino as in sinasamantala naman niya ang kapangya­rihang binigay sa kanya.

Alam kaya ng amo ni Boy Anino ang mga kalokohang ginagawa niya? Mukhang walang alam ang boss ni mokong.

Clue. Ang mambabatas na umaaktong padrino ng po­wer firm ay may letrang M sa kanyang pangalan as in mayaman.