Abante Tonite Interactive

Solon parang sirang-plaka sa hearing

466

Naging mannerism na ng isang miyembro ng Lower House na ipaulit ang mga importanteng sinasabi ng resource person sa hearin­g sa Kamara.

Hindi naman bingi pero palaging pinauulit ng mamba­batas ang sinasabi ng taong ginigisa sa hearing.

Kaya laging pasa­kalye nito ay “ibig mong sabihin?” kapag nagtatanong na sa taong iniimbestigahan.

Ang matindi nito, ginawa pa siyang chairman ng komite pero kung dumiskarte ay parang sirang plaka.

Nauubos tuloy ang oras sa mga paulit-ulit na tanong ng mambabatas pero wala namang nakukuhang magandang impormasyon sa imbestigasyon.

Clue. Ang mam­babatas na parang sirang-plaka kung magtanong ay taga-Luzon at may letrang L sa kanyang pangalan.