Abante Tonite Interactive

Solon pasaway sa polling precinct

0 251

Kahit ipinagbabawal, pinitikan ng litrato ng isang miyembro ng Lower House ang kanyang balota para ipakita sa madlang pipol kung sino-sino ang kanyang mga ibinoto.

Wala naman daw sumaway sa ginawa ng mambabatas dahil sa takot na baka mapagalitan pa ang mga guro na siyang nangangasiwa sa botohan.

Mukhang mabait ang mambabatas, pero kapag kinalaban mo ito ay haha­bulin ka niya kahit saan­g sulok ng kanilang bayan.

Malakas ang loob ngayon ng mambabatas dahil nakasandal sa pader ika nga at nawala na rin ang pakpak ng kanyang mortal na kalaban sa politika.

Clue: Ang mam­babatas na pasaway sa polling precinct ay may magandang asawa. May letrang A sa kanyang pangalan, as in Astig.