Abante Tonite Interactive

Solon pinasiklaban ng ekonomista

376

Hindi umubra ang pagka-bibo ng isang mambabatas matapos pasiklaban ng isang ekonomista ng Palasyo.

Sabay kasing humarap sa makukulit na miron itong si mambabatas at ang opisyal ng Malacañang subalit lamang si opisyal sa mga tanong sa mga mahalagang isyu.

Pero hindi nagpatalbog ang mambabatas kaya sa bawat tanong sa Palace official ay sumasabat ito at nagdadagdag ng kanyang pananaw sa mga natatanong na isyu.

Nasabi tuloy ng mambabatas na hindi na siya babalik sa Pa­lasyo dahil matabang na pagtrato sa kanya.

Clue. Ang mambabatas ay malapit sa isang dating Presidente at minsan na ring nalagay sa alanganin matapos bansagan ang dating amo. O gets na?