Abante Tonite Interactive

Solon pinurga ng mais

0 277

Bumisita sa isang lalawigan sa Mindanao ang isang mambabatas mula sa Metro Manila.

Pero imbes na mala-piyestang handaan ang pasalubong sa mambabatas, aba’y isang plangganang mais lang ang pinarada sa lawmaker.

Wala naman daw angal ang mambabatas dahil ‘lami kaayo’ naman daw ang pinakain sa kanyang mais.

Ito’y kahit nanggagaling sa mais ang tukso sa kanya ng mga kritiko sa nakalipas na taon.

Hindi naman kahiya-hiya ang inihanda sa kanya dahil hindi naman ito nakabarong nang bumisita sa lalawigan kundi nakasuot ng uniporme ng street sweeper.

Clue. Ang mambabatas na pinaghanda ng mais sa probinsya ay nakatira sa Ayala-Alabang at may letrang P sa kanyang apelyido as in Pangat.