Abante Tonite Interactive

Solon pinutulan ng live coverage

By
294

Nag-abang ng mahabang oras ang isang mambabatas para makapagtanong sa isang hearing sa Kamara.

Subalit nang duma­ting ang toka niya para magtanong, naputol naman ang live coverage ng higanteng television network sa nasabing hearing.
Inaabangan pa mandin ng mambabatas ang oras na iyon, aba’y libreng advertisement kasi iyon lalo pa’t muli siyang tatakbo sa kanyang distrito.

Sa pasakalye kasi ng mam­babatas, nahalata agad na wala itong ma­tinong katanu­ngan kaya’t pinutol agad ang live coverage.

Misyon pa naman ng mambabatas na magpasikat sa kanyang distrito, paano ba naman kasi ay malaki-laki ang ginagastos niya sa vote-buying para masiguro ang panalo.

Clue: Ang mambabatas na pinutulan ng live coverage ay sumi­sipsip ngayon sa kanang kamay ng Presidente. May letrang T sa kanyang pangalan as in Timbangan ang kailangan para siya ay masukat.