Abante Tonite Interactive

Solon pormang magsasaka sa 5-star hotel

546

Nasobrahan yata sa akting itong isang mam­babatas dahil kahit nasa 5-star hotel na siya ay pormang magsasaka pa rin ang kanyang kasuotan.

Type kasi ng mambabatas na magsuot lamang ng camiso de chino upang magmukha siyang makamasa o magsasaka.

Okay lang sana kung sinusuot lang niya ito sa mga depressed area na siyang kalimitang pinaghuhugutan ng boto ng mga politiko.

E paano ba naman kasi, hanggang sa makarating ang mam­babatas sa 5-star hotel, ‘yun pa rin ang kanyang suot pero ang mga anak ay litaw ang yaman dahil sa suot na signature shirt.

Clue: Ang mam­babatas na pumormang magsasaka sa 5-star hotel ay hindi kaguwapuhan. May letrang P sa kanyang apelyido, as in Papel.