Abante Tonite Interactive

Solon promotor ng fake news

381

Naghihinakit daw ang isang mambabatas dahil sa pagkakalat ng maling balita ng kasamahan niya sa trabaho.

Lumabas kasi ang balita na sangkatutak na komite daw ang hinihingi ng isang mambabatas gayung wala naman itong katotohanan.

Ang nagbalita nito ay ang kasamahan din niyang mambabatas na mas senior sa kanya.

Nagtatampo tuloy ngayon ang mambabatas sa kanyang kasamahan dahil sa pagpapaka­lat ng fake news.

Clue: Ang mambabatas na promotor ng fake news ay dating complicated ang status. May letrang P sa kanyang pa­ngalan, as in Pikon.