Abante Tonite Interactive

Solon sabit sa maanomalyang organic fertilizer

317

Tuloy ang paglilitis sa kasong graft at malversation laban isang kongresista at anim pa matapos na ibasura ng Sandiganbayan Sixth Division ang kani-kanilang motions for reconsideration.

Sa resolusyon, nakasaad na nabigo si North Cotabato Rep. Nancy A. Catamco at anim pa nitong co-defendant na suportahan ang kanilang hiling sa korte na idismis ang kanilang kaso.

Inakusahan si Catamco at grupo nito na nagsabwatan sa maanomalyang pagbili ng P5 milyong ha­laga ng Vitacrop liquid organic fertilizer noong 2004.

Abante Hiring – IT dep

Kabilang sa mga akusado ang dating asawa ng kongresista na si Pompey Perez at dating Poro, Cebu municipal mayor Edgar Rama. Gayundin sina Poro vice mayor Ro­nald Carcellar at sina Sangguniang Bayan member Gorgonita Gonzales, Sergio Zurita, Nilo Gorgonio, Gregorio Dorog, at William Surbano.

Ayon sa Prosecutors, malinaw na iregular ang transaksiyon dahil sa walang public bidding at ang supplier na Perzebros Company ay dalawang buwan pa lamang na naitayo.

Bukod dito, nasilip din na nagkaroon ng ­overpricing dahil binayaran umano ng P1,500 per bottle ang fertilizer gayong ang actual price lamang ay P408 per bottle.