Abante Tonite Interactive

Solon sinabon sa kadaldalan

420

Nakaranas ng sabunang walang banlawan ang isang miyembro ng Lower House dahil sa kanyang kadaldalan.

Sa nasagap na info ng Tonite, pinatawag daw ang mambabatas ng isang lider ng Kamara dahil sa mga rebelasyon nito sa media.

Nagmistulang grade school pupil daw ang mambabatas nang sermunan siya sa principals office.

Dahil kasi sa kadaldalan ng mambabatas, pati raw ang pinagkakakitaan ng mga congressman ay isiniwalat din sa media.

Naboldyak tuloy si cong kaya’t napilitan siyang maging bumbero as in pinatay ang sunog na kanyang nilikha.

Clue. Ang congressman na ­sinabon sa kadaldalan ay ­pumipilantik ang daliri sa gabi at may letrang S sa kanyang pangalan.