Abante Tonite Interactive

Solon sumuka ng milyones para ‘di makasuhan

423

Sumuka raw ng ma­laking pera itong isang mambabatas para hindi siya makasuhan sa ginawang pangungurakot sa pondo ng bayan.

Inimbestigahan na kasi ang mam­babatas hinggil sa kuwestiyonableng proyekto nito sa lalawigan.

Eh paano naman kasi, naubos na lang ang pondo pero hindi man lang nasemento ang pinagawa nitong kalsada sa lalawigan.

Halatang binulsa ang malaking bahagi ng pondo kaya’t inimbestiga­han ang proyekto kung nakinabang dito ang mam­babatas.

Upang hindi sumabit sa pangungurakot, napi­litan daw ang mam­babatas na maglabas ng malaking halaga upang hindi makasuhan.

Epektib naman daw ang ginawa ng mambabatas pero nabawasan ang kinurakot niyang pera sa proyekto.

Clue: Ang mambabatas na sumuka ng mil­yones ay may magarang mansyon at isa nang senior citizen.