Abante Tonite Interactive

Solon takot sa gastusan

279

Lagi raw palaban ang isang miyembro ng Lower House pagdating sa mga debate sa kapulungan.

Pero pagdating sa gastusan, umaatras na ang kumag at laging sarado ang kanyang bulsa.

Sa kabila ng karagdagang pondo dahil sa kanyang posis­yon, tiklop ang mambabatas sa gastusan ng pagkain.

Kaya daw nitong tiisin ang mga taong umaasa sa kanyang biyaya para lang makatipid.

Ang siste, mukhang binubulsa din ng mambabatas ang natitipid nitong gastos sa opisina.

Clue. Ang congressman na ayaw magpakain ay mahilig mangumpisal at may letrang A sa kanyang pa­ngalan, as in Abaniko.