Abante Tonite Interactive

Solon takot sa ipis

283

Kilalang palaban ang mambabatas at ‘di umuurong ang balls sa mga debate.

Pero alam n’yo bang may isa siyang kinatatakutan? Ayaw niyang makakakita ng ipis dahil tumitindig ang kanyang balahibo.

Nabisto raw ang kahinaan ng mamba­batas nang minsan napaigtad ito habang kasama ang mara­ming tao sa isang event.

Buti na lang, hindi pumilantik ang daliri at baka mapaghinalaan pa siyang kasama ng pederas­yon.

Kaya pagdating sa kanyang opisina, number one na ginagawa ng kanyang staff ay linisan ang kuwarto at siguru­hing walang makakalusot na ipis sa kanilang opis.

Clue. Ang mambabatas ay hindi masyadong kilala pero may letrang A sa kanyang pa­ngalan.