Abante Tonite Interactive

Solon tapunan ng mga sinibak sa trabaho

433

Napakabait daw nitong isang mambabatas dahil sinalo ang ilang tinanggal sa trabaho.

Bagama’t matagal nang nababalita ang pagiging matulungin sa kapwa, pinatuyan ito ng mambabatas nang ampunin ang ilang sinibak na staff.

Wala namang hininging kapalit ang mam­babatas kundi sinabihan lang ang mga tinanggap na maging masipag sa kanilang trabaho.

Nasa mabuting lagay na daw ngayon ang mga tinanggap na staff matapos ang ma-trauma sa ginawa ng dati nilang among mambababatas.

Clue. Ang mambabatas na naging tapunan ng mga sinibak na staff ay kilalang dikit sa administrasyon. May letrang B sa kanyang pangalan.