Abante Tonite Interactive

Solon ‘tinusta’ sa comedy bar

780

Kung naging baboy lamang ang isang mambabatas, naging litson na sana ito nang ‘tustahin’ ng mga stand-up comedian sa isang bar sa Metro Manila

Kahit nakatago na sa isang sulok, nakilala pa rin ang lalaking mambabatas matapos mag-request ng kanta ang kanyang staff.

Inokray ang mambabatas dahil P100 lang kasi ang kalakip ng request samantalang ang ibang humirit ng kanta, P500 hanggang P1K ang binibigay.
Pero ang pinakama-tindi sa lahat, pinagpiyestahan pa ng mga ko-medyante ang katabaan ng mambabatas.

Halos magmantika, eheste maiyak daw ang mambabatas sa pangu­ngutya pero ang mga kasama nitong staff, hagalpakan sa tawa at hindi inintindi ang nararamdaman ng kanyang boss.

Clue: Ang mambabatas na tinusta sa come­dy bar ay yumaman sa dating puwesto at may letrang B sa kanyang pa-ngalan.