Abante Tonite Interactive

Solon tipid ‘pag may bagyo

0 175

Malaki raw ang natitipid ng isang mambabatas kapag may bagyong tumatama sa bansa sa buwan ng Disyembre.

Eh paano naman kasi, dinedeklara ni­yang tutulong na lamang siya sa mga sinalanta ng bagyo kahit hindi naman tinototoo.

Ginagamit niya kasi itong dahilan para hindi na makapagdaos ng Christmas party at mag­regalo sa mga kaibigan.

Halos isang milyong piso rin kasi ang natiti­pid ng mambabatas kapag sinuspinde ang mga kaliwa’t kanan na party.

Kilalang kuripot ang mambabatas pero pagda­ting sa usa­pin ng mga kickback ay hindi ito nagpapahuli.

Clue: Ang mambabatas ay marunong magsalita ng Bisaya at may letrang L sa pangalan at apelyido nito.