Abante Tonite Interactive

Solon tulo laway sa interview

576

Marami raw ang nadismaya sa isang mambabatas matapos tumulo ang laway nito habang iniinterview ng mga media.

Kitang-kita daw ng mga mediamen ang pagtulo ng laway ng mambabatas habang nagsasalita ito.

Naramdaman naman daw ng mam­babatas ang paglawit ng kanyang laway kaya agad ­nitong kinuha ang panyo at pinunasan ang kanyang bibig.

Lihim namang napangiwi ang mga media sa ginawa ng mambabatas pero sa kabila nito ay tuloy pa rin siya sa pag interview dahil bahagi ito ng kanilang trabaho.

Ang ibang beterano, dumistansiya sa mam­babatas dahil alam na nila ang nakakasukang gawain ng mambabatas.

Clue. Ang mambabatas na tulo laway sa interview ay kilalang bigatin at may letrang D sa kanyang pangalan.