Abante Tonite Interactive

Solon ubod ng tsismoso

456

Marami ang nakapansin sa kakaibang kilos ng isang miyembro ng Lower House noong bago sumapit ang Pasko.

Puro tsika kasi ang ginawa ng lalaking mambabatas sa event na kanyang dinaluhan.

Mabuti sana kung puro katatawanan lang ang kinukuwento ng mambabatas sa kanyang mga ­kaibigan.

Ipinamalita kasi ng mambabatas ang personal na buhay ng ilang kongresista.
Nabigla raw ang mga nakikinig sa pinagkakalat ng mambabatas dahil parang tsismoso na ang peg ngayon ng lawmaker.

Walang panama daw ang mga showbiz ­reporter sa pinagkakalat ng mambabatas dahil puro A-1 information daw ang tsinitsika nito.

Clue. Ang lala­king mambabatas na ubod ng ­tsismoso ay ­aktibo sa ­social ­media at may ­letrang A sa ­kanyang pangalan.