Abante Tonite Interactive

Solon umepal sa endorsement

312

Kilala ang isang mambabatas sa pagsawsaw sa lahat na yata ng isyung ­ibato sa kanya.

Hindi rin siya naglolobat kapag may public hearing kahit na iwanan siya ng mga kasamahan sa trabaho.

Pero ang bagong pinapelan ng mambabatas, ang mag-endorso ng mga kandidato sa darating na halalan.

Abante Hiring – IT dep

Ipinagmalaki kasi ng mambabatas na bigatin siya sa partido kaya’t itinaas ang kamay ng dalawang kandidato sa pagka-senador.

Gustong palabasin ng mambabatas na malakas ang kanyang hatak sa mga botante, gayong ilang beses din itong natalo sa pagtakbo sa halalan.

Boring siguro ang mambabatas dahil sa mahabang bakasyon kaya’t pumapel sa mga tumatakbo sa halalan.

Clue: Ang mambabatas na umepal sa endorsement ng kandidato ay kilalang mahilig maningil ng utang na loob. May letrang D sa kanyang pangalan as in Dila.