Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Solong medical supply bidder tinumba

0 539

Ni Nancy Carvajal

Masusi ngayong iniimbestigahan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagkamatay ng isang solong medical supply bidder na inambus sa San Antonio Nueva Ecija noong Marso 8 sa kahabaan ng Cabioa highway.

“We found out that the victim is the first outsider who participated in the municipal bidding. For the longest time, isa lang ang bidder,’’ pahayag ni Senior Agent Suzette Tucay sa Politiko.

Ayon kay Tucay, noong Marso 8, ang biktimang si Albert Angelo Esconido, 30, ay mag-isang bumiyahe sakay ng kanyang pick -up truck sa kahabaan ng barangay Cabio nang siya ay barilin.

“The victim just came from the opening of bids where he lost, but on his way going back to Manila he was waylaid shot and killed,” sambit pa ni Tucay na tumatayong lead investigator ng kaso.

Hanggang ngayon ay di pa natutukoy ang killer ngunit hinihinala ni Tucay na `posibleng may koneksyon sa bidding’ ang nangyaring pamamaslang.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Batay sa mga dokumentong isinumite ng pamilya ng biktima sa NBI, ang bidding ay nai-post sa Philgeps – isang portal para sa lahat ng government purchases na nag-aanyaya sa publiko na lumahok sa pag-bid.

“The victim’s family said they were not invited, it was a public bidding, they did not know that no other bidders joined,’’ dugtong pa nito kung saan pangalawang beses pa lang nagpakita sa Nueva Ecija ang biktima.

“The first time was on March 4 with his grandmother when they submitted the bid documents. On March 8, the older woman decided not to go letting the grandson handle the process.”

Bunga ng insidente ay nagpasaklolo na sa NBI ang kanyang lola upang maresolba ang kaso.

Ayon sa naulila, hindi nila akalain na ang P7 milyong proyekto ay hahantong sa kamatayan ni Esconido.

“We accepted we lost, we followed the process, it was senseless to kill him,” hinagpis ng lola, ayon na rin kay Tucay.

Leave A Reply

Your email address will not be published.