Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Soltones aayuda sa maliliit na negosyo

0 55

Hangad ni Premier Volleyball League (PVL) star Grethcel Soltones na matulungan ngayon ang kanyang mga kaibigan sa kanilang maliit na negosyo.

Ngayong ilan sa mga Pinoy ang nawalan ng mga trabaho at hirap dulot ng pandemiya, swak sa kanila ang pagtatayo ng small business.

Kaya naman, dasal ng PetroGazz Angels ace player, na mabigyanh tulong ang kanyang mga kaibigan.

“Lord sana matulungan ko lahat ng kaibigan ko sa small business nila ngayun. Thank you Lord!” tweet nitong Miyerkoles ng beterang balibolista nagdiwng ng kanyang ika-25 taong kaarawan nitong Setyembre 9. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.