Abante Tonite Interactive

Soltones tagilid kay Panaga

105

Kailangan mag-doble kayod si power hitting Gretchel Soltones upang maibalik sa San Sebastian ang korona at manatili sa kanya ang pagiging season MVP.

Sinalto ang Lady Stags sa three-peat, may posibilidad din na mapigilan ni College of Saint Benilde team captain Jeannette Panaga ang asam ni San Sebastian star Soltones sa kampanya nitong third straight MVP award sa 92nd NCAA women’s volleyball tournament.

Nasa Nos. 1 at 2 ang San Sebastian at Saint Benilde, sina Panaga at Soltones naman ang nagbabangayan sa MVP race.

Pagkatapos ng anim na salang, nangunguna ang 102 points ni last year’s Finals MVP Panaga. Humihinga sa kanyang batok si top hitter Soltones na may 97.

Nirehistro ni Panaga ang 68 spikes, 17 kill blocks at 17 aces para tulungan ang CSB na palakasin ang tsansa na makahirit ng dalawang sunod na titulo.

Kapit din ni Panaga ang top spot sa blocks sa average na 0.68 per set.

Ungos naman si Soltones sa spikes, may 43.90% ito kumpara sa 41.45% ni Panaga.

Hindi nagpapaiwan sa MVP race si Francesca Racraquin (96) ng San Beda.

Malinis sa anim na laro ang Lady Stags, 5-1 ang Lady Blazers.