Abante Tonite Interactive

Solusyon hindi pagtatalo

110

Dear Abante Tonite:

Base sa kahirapan na nararanasan ng mga Pilipino. Kasalanan ba talaga ng mamayan? O baka mga gobyerno na korap? Ano nga ba ang dahilan?

Anuman ito, ang kailangan ay solusyon. Ang kahirapan na ito ay nangangailangan ng solusyon hindi pagtatalo.

Paano nga ba uunlad ang ating bansa? Pagbibigay koo­perasyon ng bawat isa at pagiging tapat.

Maging masipag na rin dapat ang mga Pilipino na walang ibang ginawa kung hindi magpakasarap sa kanilang buhay. Tamang pagbabayad ng buwis na sa kabaliktran ay dapat tama rin ang natatanggap na benepisyo ng bawat isa.

Ikaw nga nila kahit anong sipag tiyaga kung ang namumuno ay mga demonyo at magnanakaw. Magiging bula lahat. Buksan ang isipan maging bukas sa katotohanan at sama- sama ng paunlarin ang bansang kinabibilangan.

Reigne Antonette Calupit