Abante Tonite Interactive

Solusyon hindi tensyon

227

FOR THE RECORD
Jeane Lacorte

Ang totoong mahala­gang isyu at problema na dapat nating pagtuunan ng pansin ay ang problema ng supply ng tubig sa Metro Manila at irigasyon ng mga bukid.

Nasa gitna ngayon ng matinding problema ang 14 milyong mga residente ng Metro Manila . Atrasado ang ulan sa lugar na pondohan ng tubig ng ating mga water agencies. Sa totoo lang, kahit gaano ka-moderno ang buhay natin, malaki pa rin ang inaasa natin sa kalikasan. Ngunit sa mga modernong pamamaraan din ang solusyon.

Abante Hiring – IT dep

Itong nakaraang linggo ang mga headlines at mga lead stories sa broadcast media ay naka-focus sa Recto Bank partikular sa isyu ng fishing boat na Gem Ver at ang 22 ma­ngingisda na nasabak sa sakuna dahil sa isang Chinese vessel na pangingisda rin. Nagkakasundo na ang nakakarami na aksidente lang ang nangyari.

Pero parang ayaw tumigil ng mga kritiko ng pamahalaan samantalang nasa final stage na ang imbestigasyon, at milyon-milyon na ang tulong na natanggap ng 22 Pilipinong mangingisda galing sa gobyerno, sa mga pribadong grupo tulad ng Fede­ration of Filipino Chinese Chambers of Commerce na nangakong ipapaayos ang danyos ng Gem Ver.

Sa puntong ito ay dapat suporta na lang ang ibigay natin sa pamahalaang Duterte pati na sa ‘joint investigation’ na may ‘third party’ na mamamagitan sa ano mang pakakaiba, kung meron man, sa conclusion ng imbestigasyon.

Move on na tayo at dapat ay sa mga mas importanteng pambansang mga problema tulad ng krisis sa supply ng tubig tayo tumutok.

Iyung mga mangilan-ngilan na tila ayaw mag-move on at sadya pang gumagawa ng mga bagong isyu, tulad noong diplomatic passport isyu ng da­ting foreign secretary ng Pilipinas na isang personal na isyu at walang anumang pinsala sa bayan ay pinala­laki na naman.

Lalo ring umigting ang panggagatong ng ilan makaraang mag-anunsyo si Duterte ng Independent Foreign Policy at pakikipag-tulungan sa China.

Ang China ang tumutulong kay President Duterte na makapagtayo ng bagong dam at linya ng tubig mula sa Kaliwa River na nanggagaling sa Agos River Basin.

Ang pautang ng China dito ay P18.7 bilyon mula sa Official Development Assistance (ODA) na pautang na may 2% na interes at 7 taong grace period. Ibig sabihin, magpapalipas ng 7 taon bago magsimula ang pagbabayad at 25 taon matapos noon ang pagbabayad.

Ang supply mula sa Kaliwa Dam, aabot ng 600 mld (milyong litro bawa’t araw), dagdag na 45 liters kada tao sa Metro Manila.

Ito ay isa sa mga medium term na solusyon sa problema ng supply ng tubig sa Metro Manila. Ito ay isa lang sa mahahala­gang proyekto ni President Duterte sa tulong ng China.

Sa irigasyon naman ay iyung P 4.37 bilyong Chico River Pump project sa Cagayan na magpapatubig sa mga bukid ng 10,000 mga magsasaka.

Kaya dapat naman ma­ging malawak ang kaisipan ng bayan, iwasan ang makitid na pagtingin sa mga isyu lalong-lalo na sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang mga bansa na may kakayahang tumulong sa mga kailangan ng bansang Pilipinas.
Sana makita ng mga kritiko na ang mga hinahain ni President Duterte ay mga solusyon, hindi tensyon.

Kaya para sa akin, maganda ang joint investigation na may third party sa Recto Bank incident upang magkaroon ng consensus at solusyon sa kaso at hindi magdulot ng panibagong tensyon.