Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Solusyon sa ASF huwag sanang ‘ma-hogwash’

0 208

Isang taon nang magdeklara ng lockdown sa Metro Manila at kalapit na lalawigan ng community quarantine o lockdown dahil sa pagkalat ng coronavirus disease.

Kasabay noon ang pagtaas din ng presyo ng pagkain dahil sa kakalulangan ng suplay bunsod nang ipinatupad na lockdown. Mula nang mag-lockdown noon parang buwan-buwan na lang ata tumataas ang presyo ng bilihin.

Naalala ko pumalo ng P200 hanggang P220 ang kilo ng karne gayong dati rati’y P90 hanggang P120 ang kada kilo nito. Ikinagulat ng lahat ang nakaka-high blood na pagtaas sa presyo ng karne na baboy. Noon kasi P220-P240 lang ang kilo ng liempo pero buwan-buwan ata ay tumataas ito hanggang sa umabot pa sa P380 hanggang P420 kada kilo lalo noong pumasok na ber months.

Ang pangunahing dahilan, kulang ang supply ng baboy bunsod ng pagkalat ng African Swine Flu (ASF) sa Cental Luzon at iba pang lugar lalawigan. Pero mabagal ang DA, hindi agad nagawan ng solusyon ang problema ito.

Lalo pang kumalat ang ASF kaya’t lalong nagkulang ang suplay ng pork sa Metro Manila at ilalang lalawigan sa Luzon. Parang hindi kumilos ang DA para makontrol ito.

Biruin mo halos isang taon na rin ang ASF, pero ganoon pa rin, patuloy pa rin ang pagkalat ng ASF. Tila sinabayan ang coronavirus. At sa patuloy na pagkalat nito, milyon-milyon na na mga baboy ang kusang pinapatay upang mabawasan ang pagkalat nito.

At dahil sa tinatawag na Covid ng mga baboy, gusto nang sumurender ng ating mga magbababoy o hog-raisers. Kasi ba naman malaki na ang nalulugi sa kanila at ang masama nito, walang naibibigay na ayuda ang DA sa kanila.

Sa pagdinig sa Senado, naglabas ang hinaing ang grupo ng mga backyard o small hog raisers dahil hindi man lang sila natulungan ng DA sa kanilang pagkalagi dulot ng pagkalat ng ASF.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Biruin mo, P56 bilyon ang nalugi sa swine industry at mahigit porsiyento nit ay mga backyard small hog-raisers. Nakakaawa ang kalagayan ng ating mga kababayang hograisers.

Nalugi na, wala ngang kinikita at hindi rin ng natutulungan ng DA sa kabila nang may nakalaan namang ayuda para sa kanila. Ang sabi, may inisyal na P10,000 daw ang ibinigay sa bawat hog raiser. Pero sapat ba iyon?

Ang tanong pa, ano ginawa ng DA para mapigilan ang ASF? Parang wala ata akong matandaan. Sab nga ng mga expert, malamang pumasok ang ASF dahil na rin sa infected, unchecked, smuggled imported pork.

Sa pagkakaalam ako, 12 sa 17 rehiyon sa bansa ay nahawaan ng ASF infection. Biruin mula sa isang rehiyon [Central Luzon] kumalat na sa 12 rehiyon? Ano ba ang ginagawa ng DA para makontrol ito?

Para sa akin, ang unang solusyon siguro ay gumawa ng hakbang ang DA para hindi kumalat ng husto ang ASF sa buong bansa. Pero ang unang ata hakbang na ginawala nila ay aprubahan ang pag-angkat ng pork para mapunan ang kakulangan ng suplay nito sa kasalukuyan.

Biruin mo 400,000 metric tons ng pork ang pinayagan kaya asahan nang babahe ng mga imported na baboy sa bansa sa mga susunod na buwan at hindi natin alam kung ASF free ba ang mga ito o hindi.

Halos na-triple ang import ng pork kaya tiba tiba ang mga importer. Pero ang kawawa pa rin dito ay ang ating mga magbababoy. Paano sila makakasabay sa mga pagdagsa ng imported na baboy. Lalabas na lugi na naman sila, hindi na naman kikita.

Kaya nga daing ng ating mga pork producer, tila pinapabor ng DA ang mga importer at smuggler. Ang hirit nga ni Nicanor Briones, vice president for Luzon of the Pork Producers Federation of the Philippine, mag-resign na lang itong si Secretary William Dar dahil wala itong malasakit sa kanila at mas gusto pang kumita ang mga importer kesa mga local hog raisers.

Leave A Reply

Your email address will not be published.