Abante Tonite Interactive

Solusyon sa trapik: Tanggalin lahat ng parking, sidewalk vendor

233

Para masolusyunan ang matinding trapiko sa EDSA, iminungkahi ng isang mambabatas ang pag-aalis ng lahat ng mga parking area at sidewalk vendor sa kahabaan ng national highway.

Sa isinagawang pagdinig ng House committee patungkol sa traffic management plan ng MMDA, sinabi ni Marikina Rep. Bayani Fernando na dapat atasan ng ahensya ang mga alkalde ng naaayong siyudad sa EDSA na linisin ang mga kalsadang sagabal sa daloy ng trapiko, tulad ng pag-aalis ng mga parking area at sidewalk vendor.

Maaari aniyang maglaan na lamang ng isang lugar ang mga mayor para pagpuwestuhan ng mga sidewalk vendor upang hindi na masagasaan ang kanilang pangkabuhayan.

“Remove all parking, remove all sidewalk vendors in every road to address traffic problem,” sabi ni Fernando.

Idiniin naman ni MMDA Usec. Jojo Garcia na ang konstruksyon sa mga pribadong kalsada para sa paglalagyan ng mga maaapektuhang sidewalk vendor ay wala aniya sa hudikatura ng MMDA. (Lorraine Gamo)