Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Solvent boy nagtatakbo todas sa EDSA bus

0 86

Patay ang isang sinasabing solvent boy nang mahagip ng bus na naghagis ng bato sa parehong sasakyan, Huwebes sa EDSA Carousel sa pagitan ng MRT Santolan at Ortigas station.

Agad namang naaresto ang suspek na si Ferellere Baselio, 47-anyos, driver ng Taguig Metro Link passenger bus at residente ng Bacoor, Cavite.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni Pat. Jayson Villegas ng QCPD Traffic Sector 3, bandang alas-8:45 kahapon ng umaga ay nakitang tila wala sa sarili at tumatakbo habang may hawak na bato ang bata sa nasabing lugar.

SM food to go Banner Ad

Dahil nabigla ay hindi agad nakapreno ang driver ng bus na may plakang NA 09829 at may biyaheng Baclaran at Monumento at nahagip ang biktima na pumailalim sa bus kaya agad namatay.

Batay naman sa pahayag ng mga nakasaksi, nakita nila ang biktima na nanghihingi ng pera at akmang mambabato nang bigla na lamang tumalon palabas ng carousel dahilan upang mahagip ng bus.

Itinanggi ni MMDA traffic czar Edison Bong Nebrija ang sinasabi ng I-ACT na nambato ang biktima, gayunman aalamin nila kay Baselio kung bakit nabasag ang windshield ng sasakyan. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.