Abante Tonite Interactive

Somali hinoldap sa Jones Bridge

By
1,796

Natangay ang cash, mga gadget at iba pang personal na gamit ng isang 21-anyos na dayuhang taga-Somali matapos itong holdapin ng riding-in-tandem sa Jones Bridge sa Binondo, Maynila noong Lunes.

Kahapon lamang ng alas-10:00 ng umaga nakapagreklamo sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang biktimang si Muhidin Mohammed Zakaria na nanunuluyan sa isang lugar sa Maynila.

Sa reklamo ng biktima kay Chief Inspector Joselito Ocampo, hepe ng MPD-GAIS, naganap ang insidente sa nabanggit na lugar dakong alas-11:00 ng gabi habang naglalakad siya nang lapitan ng riding-in-tandem.

Isang suspek ang bumaba sa motorsiklo at sumalubong sa kanya sabay deklara ng holdap.

Kinuha ng suspek ang kanyang bag na naglalaman ng pasaporte, Samsung Galaxy gadget at cash na nagkakahalaga ng P20,300 at mga damit.

Nang makuha ang pakay, mabilis na sumakay ng motorsiklo ang suspek na pinaandar ng kanyang kasama.