Abante Tonite Interactive

SONA nakasentro sa WPS, korapsiyon, iligal na droga

345

Nakasentro umano ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa paglaban niya sa corruption, illegal drugs, rebellion at isyu ng West Philippine Sea.

“We can expect that he will tackle the promises he made on fighting corruption, illegal drugs, criminality, and rebellion. We can also expect that he will speak about other major issues, such as that of the West Philippine Sea, ways to sustain the growth in our economy, as well as his legislative agenda,” ayon kay Pre-sidential Spokesman Salvador Panelo.

Ihahayag din umano ni Duterte ang kanyang mga nagawa sa loob ng tatlong taon at mga gagawin pa sa loob ng nalalabi pa niyang termino.

“Tomorrow on his fourth State of the Nation Address (SONA), President Rodrigo Roa Duterte will report to the Filipino people the achievements of the administration in the past three years, the present si-tuation of the country, and his plans to further move the nation forward for the three years,” ayon kay Panelo.

Sinabi pa ni Panelo na naging makabuluhan at kapana-panabik ang inihanda niya ngayon sa kanyang SONA.(Juliet de L­oza-Cudia)