Abante Tonite Interactive

SONA ni Digong 45 minuto hanggang 1 oras lang

232

Posible umanong tumagal lamang sa pagitan ng 45 minuto hanggang isang oras at 20 minuto ang State of the Nation Address (SONA) ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte ayon kay Communications Secretary Martin Andanar.

Ito ay nakadepende pa umano kung gaano kabilis o kung hindi na magdadagdag ang pangulo sa kanyang talumpati.

Inihayag pa ni Andanar na ang naghahanda na ang Office of the President at Presidential Management Staff para sa talumpati ni Duterte.

Una nang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na magiging maikli lamang ang SONA ng pangulo ngayong taon.

Gayunman, dagdag pa ng tagapagsalita ng Palasyo, ang maikli umano para sa Pangulo ay karaniwang tumatagal ng dalawa hanggang tatlong oras.

Matatandaan na isang oras at 32 minuto ang unang SONA ni Duterte, sa pangalawa naman ay dalawang oras at noong nakaraang taon ay tumagal lamang ng 48 minuto.