Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SONA website ng Kamara kasado na

0 61

Inilunsad ng Kamara kahapon ang website para sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang microsite sa opisyal na webpage ng House of Representative — congress.gov.ph/sona2021 ay maglalaman ng mga impormasyon kaugnay ng SONA ng pangulo sa Hulyo 26.

SM food to go Banner Ad

Ayon kay Speaker Lord Allan Jay Velasco lalamanin din ng website ang legislative accomplishment ng administrasyong Duterte.

“President Duterte has actually accomplished a lot in the past five years he was in office, and this website will bear all those achievements,” sabi ni Velasco.

Ilalagay din sa website ang video ng mahigit 200 kongresista kung saan nila inilalahad ang kanilang mga proyekto at programa at talumpati ng mga pi¬ling kongresista. (Billy Begas/Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.