Abante Tonite
Mabilis sa Balita

SONAgkaisa concert tinapat kay Digong

0 640

Bukod sa ikalimang State of the Nation Address (SONA), inaabangan din ang online concert na live sa Facebook.

Sa Lunes, alas-3 ng hapon ay magaganap ang ‘Tinig ng Bayan:SONAgkaisa Concert’ na mapapanood sa Facebook page ng Radyo Katipunan 87.9.

Masasaksihan ang performance nina Ebe Dancel , Agot Isidro , Bayang Barrios , Johnoy Danao , Arman Ferrer , Bullet Dumas, Bituin Escalante, Baihana, Jesuit Music Ministry, Jim Paredes, Boboy Garovillo, The Company, Toma Cayabyab at Noel Cabangon sa nasabing concert.

Ang proceed na malilikom dito ay itutulong sa Project Paghilom ng De La Salle Philippines.

Leave A Reply

Your email address will not be published.