Abante Tonite Interactive

Song Hye Kyo nega sa diborsyo kay Song Joong Ki’

618

Kahit si Song Hye Kyo ay balitang nagulat umano na idi-divorce na pala siya ni Song Joong Ki.

Pero kesa magmukmok, nagkaroon na si Hye Kyo ng kanyang unang public appearance sa China para sa promotional event ng ineendorsong produkto.

At ngayon naman, tutungo siya sa Monaco para sa isang event ng luxury jewelry brand na Chaumet bilang Asia’s ambassador.

Abante Hiring – IT dep

Lumabas pa ang picture ni Hye Kyo sa naturang event kasama ang Hollywood actress na si Natalie Portman. Gayundin sa mga international models na sina Natalia Vodianova at Antoine Arnault.

Until now, walang malinaw na dahilan kung bakit nga ba nauwi sa divorce ang showbiz couple na ito.

May iba’t ibang espekulasyon at isa sa lumalabas, kesyo hindi pa rin daw talaga handa ang aktres na magpamilya, lalo na ang magkaroon na ng anak – sa kabila ng 34-anyos na siya.

Kung nag-take muna ng break si Song Joong Ki kahit na umeere ang kanyang drama na “Arthdal Chronicles”, kabaligtaran naman ni Hye Kyo. Mas pinili niyang ituloy lang ang kanyang buhay at career.

Pero kung pagbabasehan ang mga komento ng Korean netizens sa social media sa dalawang public appearances ng aktres, walang duda na negatibo ang dating nito sa kanila.

Ilan sa mga harsh comment na ibinabato kay Hye Kyo, “I hope she will focus on making herself beautiful on the inside more than her outside…

“I hope you will live alone for the rest of your life. Only divorce one. You seem to be having fun. You’re not young anymore.

“I hate her.
“I don’t like her anymore.
“She looks like she’s more crazy for money.”
Pero sa ilang entertainment site, marami namang international fan ang nagpahayag ng paghanga pa rin sa aktres.
Sabi sa isang comment sa soompi.com, “I love it. You can’t keep a woman like her down. I love you forever Song Hye Kyo.
“I hope she’s able to move on and be happy. She’s stunning.”