Abante Tonite Interactive

Song Joong Ki 3 taon bago nasundan ang K-drama

520

Halos tatlong taon din bago nasundan ang huling K-drama ni Song Joong Ki, ang “Descendants of the Sun.”

As we all know, pagkatapos ng DOTS ay nagpakasal sila ng leading lady niya rito na si Song Hye Kyo. Mahigit isang taon din bago niya naisipang tumanggap at gumawa muli ng drama.

Ang tvN’s new Saturday-Sunday drama tungkol sa mythical city na Arthdal ang napili ni Joong Ki among the scripts, ang “Arthdal Chronicles.”

Malayong-malayo ang role niya ngayon sa bagong drama na magpa-pilot sa South Korea sa June 1.

Ginagampanan niya ang papel na si Eun Seom, anak ni Asahon at miyembro ng Wahan Clan. Kapareha niya ngayon ang co-star niya rin sa DOTS na si Kim Ji Won.

Ayon sa actor, pagkabasa pa lang daw niya ng script ay nagustuhan na niya ito agad. Kung titingnan nga, tila mahilig talaga si Joong Ki sa mga character na tipong out-of-the-box tulad sa pelikula niyang “Warewolf Boy.”

“I remember when the director and writer explained the overall feel of this drama to me before I received the script. The first feeling I got was that it is a fun historical story. It was a similar mysterious feeling to the first time I saw Greek and Roman mythology when I was a child.

“I found the general narrative of the story to be very interesting and was surprised that each character has their own storyline and color.”

Ang mismong character nga raw niya ang pinaka-main reason kung bakit ang “Arthdal Chronicles” ang napili niya.

“As the character with the most growth and maturation, I related a lot to how Eun Seom thought a lot about his identity. Although he is hurt often, he does not give up and works hard to find his path in life. I became greedy in wan-ting to portray the pain and innocence that Eun Seom has.”

Puring-puri rin ng production si Song Joong Ki.

Pahayag ng mga ito, “Through the character of Eun Seom, Song Joong Ki was able to portray the vitality of a new generation with this magnificent storyline.

Please look forward to Song Joong Ki’s incredible transformation into Arthdal’s stranger Eun Seom who holds a fateful secret.”